Ph, nangako ng pinansiyal na tulong para sa Afghanistan

Nangako ang gobyerno ng Pilipinas na magbibigay ng financial aid para sa Afghanistan sa gitna ng kinahaharap na hamon ng naturang bansa na dulot ng pagtakeover ng Taliban.

Sa isang pahayag sinabi ng Department of Foreign Affairs na inanunsyo ni Evan Garcia, ang permanent representative to the UN Office sa Geneva ng Pilipinas ang pledge ng bansa sa flash appeal ng UN Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) sa pag-asang matugunan ang humanitarian gaps sa Middle Eastern country.

Una nito, nanawagan si UN Secretary-General António Guterres ng emergency appeal para sa $606 million para matugunan ang pinaka-pangangailangan ng bansa.

Noong Lunes, sinabi nito na “fully met” na ang naturang layunin matapos makatanggap ng mahigit $1 billion na mga pledges.

Samantala, hindi naman ibinunyag ng DFA kung magkano ang ibibigay ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *