PH, Pfizer, senelyuhan na ang procurement sa 40-M vaccine doses

Nilagdaan na ng gobyerno ng Pilipnas supply agreement para sa 40 million doses ng Pfizer-BioNTech vaccines, ang pinakamalaking vaccine procurement para ngayong 2021.

Ayon kay National Task Force against COVID 19 Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. noong Mayo nang lagdaan ang term sheet para sa procurement kung saan detalyado ito ng lahat ng mga kondisyon at alok para sa suplay.

Sinabi naman ni Galvez na ang deliveries para sa bakuna ay magsisimula sa ikawalong linggo simula sa Agusto.

Ang Pfizer vaccines ay ihahatid sa lahat ng mga probinsya at rehiyon sa pamamagitan ng tinatawag na “hubs and spokes,” at hinimok ang mga local government units na maghanda para sa arrivals, gaya ng pagtitiyak sa third party logistics at cold chain service providers para sa mga sensitibong bakuna gaya ng Pfizer, Moderna at Sputnik V.

Giit ng vaccine czar, ayaw umano nilang masayang ang bakuna dahil sa spoilage at mishandling. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *