PH sports commission chief, umaasa ng return on investment mula sa mga atleta na sasabak sa Olympics

Umaasa si Philippine Sports Commission chairman William “Butch” Ramirez ng “return on investment” mula sa mga atleta, na kaniyang tinukoy bilang “most prepared” at “strongest”, na sasali sa Tokyo Olympic Games.

Milyon-milyon na ang nagastos ng PSC para sa training at international campaigns ng mayorya ng 19 na Pilipino na magrerepresenta sa bansa sa Olympics sa nakalipas na apat na taon.

Binigyang diin ni Ramirez na sa nakikita niya ay pinakapreparado na ang mga nasabing atleta, mula pa noong 1924 Paris Olympic Games.

Sa 2021 pa lang ay sinabi ng PSC chief, na gumastos na sila ng P278-million para sa mga atleta, at para sa iba pa na sumubok na mag-qualify ngunit hindi nakasungkit ng slot sa Olympics.

Dahil sa malaking gastos, ay sinabi ni Ramirez na natural lang para sa PSC at buong bansa na magkaroon ng malaking expectation sa mga atleta.

Inihalimbawa dito ni Ramirez ang Rio Olympic silver medalist na si Hidylin Diaz, na nagsanay sa Malaysia mula pa noong January 2020, bilang halimbawa ng all-out support ng PSC sa mga Pinoy Olympians.

Ipinunto ni Ramirez na binigyan nila si Hidilyn ng dalawang coaches, isang nutritionist, isang physiotheraphist at iba pa na kailangan nito upang matiyak ang tagumpay nito sa Tokyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *