Philipine Army, sinimulan na ang back-to-back military exercises kasama ang US at Australia

Binuksan na ng Philippine Army (PA) ang back-to-back military exercises sa pagitan ng kanilang counterparts mula sa United States at Australia, upang mapaganda ang interoperability sa mga kaalyadong pwersa, kabilang na sa mga panahon ng giyera.

Ayon kay Col. Xerxes Trinidad, tagapagsalita ng PA, na ang mga participants mula sa PA’s 7th Infantry Division (7ID) at 5th Security Force Assistance Brigade (5SFAB) ng US Army ay binuksan ang Philippines-United States Warfighting Functions Exchange 2023-1 sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija.

Kabilang din sa panig ng Pilipinas, ay mga tropa mula sa 71st Division Reconnaissance Company; Alpha Company ng 99th Infantry Battalion; 1st Brigade Combat Team; at Alpha Company, 103rd Infantry Battalion ng 5th Infantry Division.

Binigyang diin naman ni Col. Eugene Mata, 7ID chief of staff, ng kahalagahan ng pag-enhance sa kaalaman ng skills ng mga tropa sa warfighting techniques upang lalong lumakas ang capabilities ng Army units tungo sa pag-abot ng kanilang misyon.

Ang two-week exercises ay magtatagal hanggang sa March 3.

Dagdag ni Trinidad, na ang warfighting training ay magsisilbi rin umanong prelude sa nalalapit na Salaknib at Balikatan exercises, na large-scale bilateral trainings sa pagitan ng Pilipinas at United States ngayong taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *