Pilipinas, nakapagtala ng 1, 347 na kaso ng HIV noong Setyembre

Nakapagtala ang Pilipinas ng 1,347 bagong kaso ng HIV noong Setyembre.

Sinabi ng Department of Health na ang bilang ay mas mataas ng 37 percent kumpara sa 981 na kaso ng HIV na iniulat sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Batay sa HIV/AIDS & ART Registry of the Philippines, humigit-kumulang 1,293 (96%) ng mga bagong diagnosed na kaso ay lalaki habang 54 (4%) ay babae kung saan 7 sa kanila ang nai-ulat na buntis sa kanilang diagnosis.

Ipinakita rin sa ulat na ang edad ng mga bagong kaso ng HIV ay mula 2 hanggang 71 yrs old.

May 3 kaso o mas mababa sa 1 percent ay mas bata sa 15 taong gulang; 418 (31%) ay 15 hanggang 24; 667 (50%) ay 25 hanggang 34; 229 (17%) ay 35 hanggang 49 at 30 o (2%) ay 50 pataas.

Sinabi pa ng ahensiya na pakikipagtalik pa rin ang nangungunang paraan ng paghahatid ng HIV. lumalabas na 941 (71%) ang mga lalaki na nag-ulat ng kasaysayan ng pakikipagtalik sa ibang lalaki, 260 (20%) ang nakipagtalik sa kapwa lalaki at babae habang 122 (9%) ay sa magkaibang kasarian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *