Pinoy chef, humingi ng tawad matapos nitong punahin ang pagkaing Pinoy sa isang palabas sa Norway

Humingi ng paumanhin sa publiko ang Filipino-Norwegian chef na si Jonathan Romano dahil sa mga kritisismo nito laban sa mga pagkain ng mga Pilipino sa “4-stjerners middag” TV show sa Norway.

Ayon kay Romano, out of context ang mga salita na kanyang nabanggit sa kanyang TV appearance kamakailan.

Ipinunto niya na isa siyang edukado na chef na may mahabang karanasan  at nagbibigay lamang siya ng kanyang subjective na opinyon.

Bilang Pilipino ay sinabi ni Romano na hindi siya mamumuna na walang back-up ang kanyang sinasabi.

Inihayag rin ni Romano: “I am born in the Philippines in Manila and pay my visit there over 30 times and of course, I love my country. However, I will admit that my mother can’t cook,”

Base sa translation ng online show na Nordic Pinoy ay sinabi ni Romano sa Norway TV show tungkol sa pagkain ng mga Pilipino na: “It’s very bad food. In the eyes of a chef, there is no food art in my eyes, unfortunately. Lots of deep-fried, lots of fried-to-death stuff like casserole dishes if you can put it that way,”

Dagdag ni Romano, “They do not have the same taste composition as Thai food. Filipino food is more on the sour side,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *