Planong smart meter ng Soreco 1, malaking tulong upang mapababa ang bayarin sa kuryente ng member consumers at kooperatiba

Posibleng makatipid na sa kanilang bayarin sa kuryente ang mga member consumers ng Soreco 1, ito ay kung maisasakatuparan na ang planong paglalagay ng Smart Meter sa mga household ng mga kasapi ng kooperatiba.

Sa pahayag ni Soreco 1 District Chief Nemencio, sinabi nito na ang plano ay napag-uusapan na kung saan natalakay na din ito sa idinaos na general assembly at naaprubahan din, subalit wala pa nga lang eksaktong detalye kung kailan ito maiimplementa.

Mababatid na sa nasabing sistema ay magkakaroon ng dalawang metro ng kuryente ang member consumer kung saan maaari siyang makapili kung gagamit siya ng solar at renewable energy.

Ibig sabihin may opsyon ang member consumers na makapagtipid at bumaba ang kanyang electric bill bukod pa sa makakamura din ang kooperatiba sa presyo ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *