PNP Bicol, nagsagawa ng harana at pagbibigay ng mga bulaklak sa mga motorista sa araw ng mga puso sa Legazpi City

Hinarana ng Philippine National Police (PNP) Bicol sa kahabaan ng Rizal Street ng Camp General Simeon Ola lungsod ng Legazpi ang mga motorista kahapon sa araw mismo ng mga puso.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PNP Bicol regional spokesperson  PLt. Col. Maria Luisa Calobaquib, taun-taon ay isinasagawa ito ng pulisya at bahagi rin umano ito ng kanilang crime prevention campaign.

Aniya, ito rin ang paraan upang i-promote ang anti-criminality campaign ng kung saan ay naipapakita nila ang pagmamahal sa komunidad.

Maliban sa pag-awit, namahagi rin sila ng mga bulaklak, mineral water, contraceptives, toothbrush at toothpaste katuwang ang lokal na pamahalaan ng lunsod, Philippine Commission on Population (PopCom), Philippine Dental Association Inc. (PDA) at SM Legazpi.

Dagdag pa nito, isa rin itong paraan ng pagbibigay-saya at pasasalamat sa publiko sa kanilang suporta sa mga kapulisan. Humingi naman ang opisyal ng kaunting pasenya sa trapikong idinulot ng kanilang aktibidad dahil sa hindi naman magtatagal ang kanilang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *