PNP Camarines Sur handa na para sa seguridad ng mga kalahok at dadalo sa 5150 Triathlon

CAMARINES SUR- Handa na ang mga local , national at international athletes na sumabak sa Camarines Sur 5150 Triathlon; ang isa sa pinakamalaking sports events sa bansa.

Sa hanay naman ng kapupulisan, sinabi sa Brigada News FM Naga ni Camarines Sur Police Provincial Office Spokesperson PCAPT Marlon Lladoc, nakalatag na ang kanilang seguridad, katuwang ng PPO ang PNP Pili at iba pang mga himpilan. Inasahan kase ang ilang libong dadalo, maliban sa mga atletang magpapagalingan sa paglangoy , pagbibisekleta, pagtakbo at iba pa, kasama rin ng mga ito ang kanilang team sa Katunayan mayroon nang mga dayo sa lalawigan na kinakabisado ang mga venue sa Capitol Compound, ilang araw nang nananitili sa probinsya.

Handa na rin ang PNP na mag assists sa daloy ng trapiko batay sa abiso at mga alternatibong ruta ng Department of Public Works and Highways (DPWH), mula alas-5 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga sa Pebrero 11 , araw ng Linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *