PNP Camarines Sur tutok sa mas pinahigpit na pagbibigay na siguridad sa ngayong tapos na ang pagsumite ng COC; paghingi ng police security dadaan sa tamang proseso

NAGA CITY – Mas mahigpit na seguridad ang ipatutupad ng pulisya sa kanilang mga lugar ngayong tapos na ang pagsumite ng Certificate of Candidacy ng bawat mga nagnanais na kumandidato sa paparating na Halalan  2022.

Posible na kasing mag-ikot na ang mga kandidato sa mga bara-barangay para pasimpleng mangampanya kahit hindi pa panahon campaign period.

Sa pag hingi naman ng police security ng sinumang kandidato, may proseso itong dadaanan sa PNP Central Office.

Sa Camarines Sur ganito ang magiging sistema na siya namang ipatutupad ng mga police stations kabilang na ang Calabanga Muncipal Police Station.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PLt. Mark Spaña, ang deputy chief ng naturang police station, hinggil sa paghahanda nila sa paparating na halalan.

Ang Calabanga ay may 48 barangay na ang iba ay nasa remote areas, na siguradong pupuntahan at aakyatin ng mga kandidato, ayon sa opisyal kaya ngayon pa lang ay may isinasagawa na silang pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *