PNP, hinimok ang publiko na ireport ang ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccine

Hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang publiko na i-report ang kahit anong impormasyon kaugnay ng insidente ng ilegal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines kasunod ng pagkaka-aresto ng isang health worker dahil sa umano’y pagbebenta ng bakuna.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ronnie Olay, agad nilang aaksyunan ang mga sumbong sa pulisya kaya hinihikayat nya ang publiko na i-report ang mga ganitong scheme.

Nagbabala si Olay sa publiko na ang mga bakunang ibinebenta ng ilegal ay posibleng doses na smuggled papasok ng bansa at baka peke ang mga ito.

Tiniyak ng spokesperson na nakikipag-coordinate na ang pambsang pulisya sa mga lokal na pamahalaan, National Bureau of Investigation, Food and Drug Administration at Department of Health sa pag-iimbestiga tungkol sa illegal sales ng COVID-19 vaccines.

Mababatid na nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ilegal na nagbebenta ng bakuna dahil sinisigurado umano nyang makakasuhan ang mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *