PNP, may hamon sa mga kritiko ng drug war

May hamon ngayon ang Philippine National Police sa mga kritiko ng kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon.

Ginawa ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao ang pahayag matapos ang inilabas na ulat ng Karapatan kung saan ay kinukundena nito ang planong pagpapatuloy ng madugong war-on-drugs ng susunod na administrasyon.

Una na kasing sinabi ni Karapatan secretary-general Cristina Palabay na hindi naman tuluyang nasugpo ang droga kahit na ilang buhay na ang nawala sa giyera kontra droga ng gobyerno.

Hamon ngayon ni Danao, kahit sila na raw mismo ang humawak ng baril sa mga anti-illegal drugs operations.

Aniya, bakit hindi raw sumama ang mga human rights groups na ito para makita kung papaano sila mag-operate.

Iginiit pa ni Danao na may mamamatay at mamamatay talaga rito dahil ‘war’ nga naman ang war-on-drugs.

Sinabi pa nito na bakit hindi napapansin ng mga grupo ang mga pulis na napapatay din naman sa mga operasyon nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *