PNP Maritime sa Palawan, na-‘wow mali’ umano sa hinuling suspek

Lumutang ang isang dating nahuli ng PNP maritime sa Palawan sa kasong syndicated estafa at nagreklamo sa maling pagkaka-aresto umano sa kanya ng pulisya.

Ito ay si Christine Sunio Borres , nasa hustong gulang na iniugnay sa 7 Star General Merchandise taong 2016 sa Puerto Princesa City.

Sa panayam ng Brigada kay Christine, hindi siya ang taong sangkot sa investment scam at ang nakasaad sa isinilbing arrest warrant sa kanya ay ang pangalang CRISTY SONIO a.k.a. CHRISTINA SONIO.

Pinatunayan niya ang kanyang pagkakakilanlan sa 2ND SOU PNP MARITIME GROUP noong June 9, 2021 sa pagpapakita ng mga ID at mga dokumento.

Ipinagdiinan ni Christine sa affidavit na kung nagsagawa lang sana ng tamang imbestigasyon at information gathering ang mga tauhan ng PNP Maritime ay hindi siya nabilanggo ng limang (5) buwan sa Puerto Princesa City Jail sa salang hindi niya raw ginawa.

Matapos makalaya ay bumwelta ng mga kasong ng Grave misconduct, conduct unbecoming, Gross neglect of Duty at paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act si Christine sa anim na opisyal at tauhan ng PNP Maritime sa Honda Bay, Puerto Princesa.

Samantala, hindi pa nagpaunlak ng panayam ang PNP 2nd Special Operation Unit- Maritime Group nang pumunta ang Brigada News.(BNFM PALAWAN)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *