PNP na-rescue ang 43 Chinese nationals mula sa kidnapping at human trafficking sa Pampanga

Narescue ng mga agents ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) ang 43 Chinese nationals na umano’y biktima ng human trafficking activities sa Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Interior Secretary Benhur, na may nagpadala sa kanya ng mensahe na humihingi ng tulong, matapos na dukutin umano ang Chinese assistant ng kanyang kaibigan sa Clark City, Pampanga.

Dahil dito, agad na hiniling ni Abalos sa PNP-AKG na magsagawa ng operasyon para ma-rescue ang Chinese national, na naging matagumpay naman.

Sa naturang operasyon, may 42 iba pang Chinese nationals na nadiskubre sa isang establisyemento ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na narescue ng PNP-AKG.

Dagdag ng DILG chief, na naaresto ng mga pulis ang suspek na kinilalang 33-anyos na si Chen Yi Bien, human resource manager ng POGO establishment.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *