PNP naghahanda na sa pagdagsa ng mga motorista ngayong paparating na pasko

NAGA CITY – Inaasahan na sa Del Gallego Boarder Control Point  ang mas maraming sasakyang papasok o dadaan sa Camarines Sur ngayong Holiday Season.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Emilio Endrano, Officer- In-Charge ng Del Gallego Municipal Police Station, sinabi nitong posibleng magrerequest sila ng dagdag na mga personahe depende sa magiging sitwasyon pagdating sa seguridad at monitoring, sa ngayon kasi wala pang deriktiba sa kanila kung maghihigpit sila lalo na sa mga health protocol, maliban na lamang kung may mga flash alarm maghihigpit sa inspeksyon.

Sa pakikipag-usap naman kay PMSG Emmanuel Abin III, Police Community Affairs and Development Officer ng Ragay Municipal Police Station, sinabi naman nitong posible rin silang magdagdag ng mga idedeploy na mga personahe na tutulong upang obserbahan rin ang trapiko lalo na madalas ang mga road accident sa kahabaan ng kalsada sa bayan.

Katunayan patuloy ang pakikipagkoordinate nila sa Department of Public Works and Highways o DPWH sa mga ginagawang road repair nang makapaglagay ng mga checkpoint para na rin sa seguridad at kaligtasan ng mga biyahero at mga sasakyang dumadaan o papasok sa probinsya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *