6 hinihinalang NPA members patay sa engkwentro sa Northern Samar

Anim na miyembro ng CPP-NPA-NDF ang nasawi sa nangyaring engkwentro laban sa militar kahapon, Nobyembre 23 sa Barangay Imelda, Las Navas, Northern Samar.

Aabot umano sa 60 mga miyembro ng makakaliwang grupo ang naka sagupa ng pinag-isang pwersa ng Philippine Army, Navy at Air Force sa nasabing lugar.

Sa isang panayam kay Joint Task Force Storm spokesperson Captain Ryan Layug, ang mga naka sagupa ng tropa ng gobyerno ay mga kasapi ng Eastern Visayas Regional Party Committee na suspek sa pag-atake sa Barangay Dorillo, bayan ng Jipapad sa Probinsya ng Eastern Samar noong Oktubre kung saan 10 taong gulang na batang sibilyan at dalawang sundalo ang napatay.

Narekober ng militar ang 16 na ibat-ibang armas mula sa komunistang grupo. Sinabi naman ni JTF Storm at 8th Infantry Division Commander Major General Camilo Ligayo, hindi papayag ang AFP na sakupin at patuloy ang masasamang gawain o aktibidad ng mga kumunistang grupo sa kanilang probinsya.

Dagdag pa nito, maraming residente na ang nagrereklamo sa mga pananakot at pangungutong ng mga CPP-NPA na malaking perwisyo sa komunidad. (BRIGADA NEWS FM – TACLOBAN)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *