PNP, pinaghahandaan na ang post-election violence

Mananatiling naka-alerto ang Philippine National Police para paghandaan ang iba pang mga karahasan na maaaring umusbong sa oras na lumabas na ang resulta ng halalan.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao na sa ngayon ay nira-wrap up na nila ang mga pinal na hakbang sa security operations na inilatag sa mga polling precincts at sa mga canvassing areas.

Pinaghahandaan aniya nila ang posibleng mga scenario sakali mang mayroong manggulo dahil hindi nito nagustuhan ang naging resulta ng halalan.

Mayroon umanong mga nakalatag na contingency plan sa lahat ng mga posibleng mangyari hanggang sa mismong proklamasyon ng mga mananalo.

Pagtitiyak nito na mananatili ang mga tauhan ng PNP sa kanilang mga lugar na minamanduhan hanggang matapos ang lahat ng mga election related logistics kagaya ng pagta-transfer ng mga election documents, at mga makinang ginamit sa halalan.

Inilarawan din ng PNP OIC ang halalan 2022 bilang isang ‘shining chapter’ para sa Republika ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *