POEA, nakikipag-ugnayan na sa DFA, at embahada sa Ukraine para sa posibleng OFW repatriations

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa Department of Foreign Affairs (DFA) at sa Philippine Ambassy sa Ukraine para sa posibleng repatriations ng Overseas Filipino Workers.

Ito ay sa gitna ng napipintong pananakop umano ng Russia sa Ukraine.

Sinabi ni POEA Deputy Administrator Bong Plan na naghihintay ang ahensya ngayon ng opisyal na abiso mula sa DFA at embahada.

Aniya, dito nila ibabase ang kanilang desisyon para sa mandatory at voluntary repatriations ng Ukraine OFWs.

Una nang sinabi ng Philippine Embassy sa Warsaw kamakailan na mino-monitor nito ang tinatayang nasa 380 na Filipino nationals na nakatira sa Ukraine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *