Political analyst: may pananagutan ang nagsulat ng mensahe ni PBBM sa Taiwan leader

Nananiniwala ang isang political analyst na mayroong pananagutan ang nasa likod ng gumawa ng mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos sa uupong bagong presidente ng Taiawan.

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay University of the Phil. Prof.Jean Franco at isang kilalang Political Analyst sa bansa, kinuwestiyon nito kung na-ikunsulta ba sa head ng Department of Foreign Affairs ang naging congratulatory message ni Pangulong Marcos sa Leader ng Taiwan.

Ayon pa kay Prof. Franco, naging bigdeal din ang usapin dahil sa kasalukuyang iringan sa West Phillipine Sea at ang pagbabago ng kasalukuyang administrasyon sa ilang polisiya pagdating sa bansang China.

Kung maalala, ikinagalit ng China ang umanoy paglabag ng Pilipinas sa “One China Policy” na nag-ugat sa tila pang iinsulto ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Mao Ning na sinabihan ni Pang. Marcos na magbasa hinggit sa usapin sa Taiwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *