Pondo ng maraming ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan 2 na hindi pa nagagastos, inalmahan ng ilang senador

Inalmahan ni Senator Sonny Angara ang hindi pa nadidisburse na alokasyon na pondo ng maraming ahensya ng gobyerno sa ilalim ng Bayanihan To Recover As One Act.

Inaasahang mag-eexpire na ang nasabing batas sa June 30 ng kasalukuyang taon.

Ayon sa senador, chair ng Senate Finance Committee, na kabilang sa mga ahensya na may mga pondo na hindi pa nagagalaw ay ang Department of Transportation, Department of Agriculture, at Department of Health.

Ipinunto ni Angara na nasa P1.5-billion pa para sa Agrikultura ang hindi pa nao-obligate.

Tinatayang nasa P6 o P7-billion naman ang hindi pa nagagamit sa transportasyon at P9-billion naman mula sa Department of Health.

Matatandaan na una nang nanawagan ang senador sa Department of Education na ilabas na ang internet allowances para sa mga guro bago matapos ang validity ng Bayanihan 2.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *