POPCOM Region 2, naalarma sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang nag-aasawa sa murang edad

Naalarma ang Commission on Population and Development Region 2 sa pagtaas ng bilang ng mga kabataang nagpapakasal sa murang edad.

Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Cauayan sa POPCOM Region 2, karamihan sa mga kababaihan at kalalakihan na ikinakasal ng maaga ay mga nasa tertiary education pa lamang kung saan ang pagbubutis ng babae ay maikokonsiderang teenage pregnancy.

Ayon pa sa datos ng POPCOM Region 2 noong 2019, nasa 12% ang kabuoang live births na naitala sa rehiyon mula sa mga inang edad 12-19 anyos lamang.

Nakasaad din sa datos na ang bilang ng panganganak ng kabataan ay tumataas pa habang tumatanda sila o umaabot sa edad na 17-19 anyos.

Kaugnay dito nagpahayag ng mensahe si POPCOM-Region II Director Herita Macarubbo ng suporta sa mga population stakeholders sa rehiyon upang paigtingin ang adbokasiya na maantala ang maagang pag-aasawa ng mga kabataan.

Samantala, patuloy naman na nagsasawa ng Pre-Marriage Orientation ang POPCOM Region 2 katuwang ang mga local population partner upang matiyak ang kahandaan ng mga would-be-couples sa pagbuo ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *