Populasyon ng Sorsogon nasa mahigit 800K

SORSOGON CITY – Umabot na sa 828, 655 ang bilang ng populasyon ng Sorsogon, ito ay batay sa 2020 Census of Population and Housing na isingawa ng Phil. Statistics Authority (PSA) noong Setyembre 2020.

Noong ika-6 ng Hulyo, ang pinakabagong census ng bansa ay inaprubahan na ni Pang. Rodrigo Duterte.

Narito ang mga numero para sa lalawigan ng Sorsogon: Sorsogon City (capital) – 182,237 / Barcelona – 20,987 / Bulan – 105,190 / Bulusan – 23,932 / Casiguran – 35,602 / Castilla – 60,635 / Donsol – 50,281 / Gubat – 60,294 / Irosin – 59,267 / Juban – 35,297 / Magallanes – 37,411 / Matnog – 41,989 / Pilar – 75,793 / Prieto diaz – 22,644 at Santa Magdalena – 17,096.

Ang populasyon ng Pilipinas ay umabot na sa mahigit 109M (109,035,343), ang bilang na ito ay idineklarang opisyal ng Pangulo ng Pilipinas alinsunod sa Proclamation No. 1179 na may petsang Hulyo 6, 2021.

Ang populasyon ng Pilipinas ay kumakatawan sa kabuuang bilang ng mga taong naninirahan hanggang 12:01 ng Mayo 1, 2020 sa 17 administrative regions ng bansa. Kasama din dito ang mga Pilipino sa mga embahada, konsulada at missions abroad.

Ang bagong figure ng populasyon ay mas mataas kumpara noong 2015 population na umabot lamang sa 100,981,437, nadagdagan ito ngayon ng 8,053,906.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *