Positivity rate ng COVID-19 sa bansa, umakyat sa 18%

Kinumpirma ng Department of Health na tumaas pa ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Sa DOH Media Forum, sinabi ni OIC Maria Rosario Vergeire na umakhat sa 18% ang positivity rate – mula sa 15.2%.

Kasing taas na ito sa naitalang positivity rate nitong Pebrero ngayong taon.

Iniakyat na rin ang CAR Region sa moderate risk classificaiton kasama ang Metro Manila.

Malapit na rin umanong tumaas sa moderate-risk classification ang CALABARZON.

Samantala, umabot na sa 71.8 milyong mga Pilipino ang ‘fully vaccinated’ na.

Ngayong nalalapit na ang pasukan, aabot na sa mahigit 9.7 million na mga edad 12-17 ang mga nababakunahan.

Aabot naman sa mahigit 4.2 million na mga edad 5-11 ang protektado na laban sa COVID-19.

Halos 6.8 million naman ang mga senior citizens na bakunado na rin.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.