Positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila at 18 iba pang lugar – muling sumipa – OCTA Research

Tumaas muli ang positivity rate ng Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa.

Sa latest na report ng OCTA Research, sumipa na sa 10.9% ang positivity rate sa NCR – doble ito sa benchmark na itinatakda ng World Health Organization na 5%.

Samantala, sa LagingHanda public briefing naman ngayong umaga, sinabi ni infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante na inaasahan na raw talaga ang slight uptick sa COVID-19 cases.

Ayon kay Solante, sa susunod na 3-4 na linggo ay posible pang tumaas ang mga bagong kaso lalo na’t pumasok na ang mga mas nakahahawang variant kagaya ng Omicvron BA.5 at BA.4

Sa ngayon, hindi pa rin umano ito pabor na taasang muli ang mga umiiral na alert level systems sa bansa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *