Presyo ng bigas sa Sorsogon, bumaba ng halos P200 bawat sako

Bumaba ng halos P200.00 ang presyo ng bawat sako ng bigas sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa pag-iikot ng Provincial Price Monitoring Council sa mga rice traders kahapon, napag-alaman ng grupo na simula pa nitong Lunes ay bumaba na ang presyo ng bigas sa ilang rice traders partikular ang regular at well-milled rice na aabot sa P200.00 ang ibinaba.

Ayon sa mga rice traders, halos dalawa hangang tatlong araw lamang ang itinatagal ng 100 hanggang 150 na sako ng bigas sa kanilang bodega.

Samantala, marami na ring mga rice retailers ang nagbaba o nasa P41 hanggang P45.00 bawat kilo ang presyo ng regular at well-milled rice.

Gayunpaman, mayroon pa ring mga tindahan na nasa P45 bawat kilo ang regular milled rice at P47 hanggang P53.00 naman ang well-milled rice.

Ayon sa mga may-ari, ito ang mga natitirang bigas na nakuha nila sa mataas na presyo.

Mag susumite naman ang DTI ng report sa Department of Agriculture (DA) na silang may enforcement power sa ilalim ng Executive Order 39.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *