Division kick- off ng Brigada Eskwela gagawin sa bayan ng Labo sa August 11

CAMARINES NORTE – Nakatakdang gawin ang 2023 Brigada Eskwela Division kick- off sa Labo, Elementary School sa bayan ng Labo, Camarines Norte sa Biyernes, August 11, 2023.

Batay sa Division Memorandum na ipinalabas ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Crestito Morcilla, magsisimula ang aktibidad sa ganap na alas 8 ng umaga sa nabanggit na eskwelahan.

Dadalo sa aktibidad ang mga Education Program Supervisor, Public Schools District Supervisor, School Heads at education partners.

Magkakaroon muna ng motorcade sa ganap na alas 7 ng umaga na magsisimula sa Division Office patungong Labo Elementary School sa ganap na alas 7 ng umaga.

Nakasaad sa Division Memorandum na layunin ng aktibidad na hikayatin ang volunteerism at palakasin ang public- private partnership at concerted solidarity bilang komunidad sa pagtugon sa mga hamon ng edukasyon.

Ginagawa ang Brigada Eskwela para ihanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase ngayong  School Year 2023- 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *