Presyo ng langis, rice price cap, smuggling, nakaapekto sa PBBM-VPDu30 ratings – analyst

Tinukoy ng isang Political Analyst ang naging dahilan ng pagbulusok ng approval ratings ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte sa katatapos lang na Pulse Asia Survey.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Prof. Anna Malindog-Uy, isang Political Analyst sinabi nito ramdam ng mamamayan ang nagiging pagtungon ng kasalukuyang administrasyon sa mga pangunahing problema ng bansa.

Tinukoy din ni Prof. Uy, ang naging usapin sa price ceiling sa bigas, rice smuggling, at inflation ang nakadagdag sa pagbaba ng trust rating ng nangungunang leader ng bansa hindi lamang sa Pulse Asia maging sa ibang poll body.

Samantala, nakaapekto naman ayon kay Uy ang mainit na talakayan sa confidential funds kung kaya ilang porsyento rin ng approval ratings ang nalagas kay VP Duterte.

Kung maalala, bumaba ng 15% ang approval ratings ni Marcos o mula sa 80% noong Hunyo ay lumagapak ito ng bumaba ng 6% habang 11% naman ang na ibinaba ng approval ratings ni Duterte mula sa 84% at naging 73% sa parehong panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *