Presyo ng produktong petrolyo, may posibilidad pa ring tumaas

Hindi iniaalis ng Department of Energy ang posibilidad na muli pa ring magtaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito pa rin ay sa gitna ng ilang linggo nang sunud-sunod na big-time oil price hikes na ipinatutupad ng mga oil companies.

Sa isang panayam, sinabi ni DOE-Oil Industry Management Dir. Atty Rino Abad na maaari pa ring magkaroon ng umento sa oil prices sa susunod na mga linggo.

Ito ay kahit na lumabas sa projection na bumaba ang demand sa fuel at bumaba rin ang traiding prices sa pandaigdigang merkado.

Paliwanag ni Abad, sumabay kasi sa ngayon ang patuloy na paghina ng presyo ng piso kontra sa dolyar.

Sakali man aniyang may movement sa presyo ng petrolyo, baka pantay lang ang presyo ‘o di kayay kakarampot lamang ang pagbabago.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.