Private establishments, hinikayat ng DOLE na mag-apply ng safety seal certification

Hinikayat ng Department of Labor and Employment o DOLE Region 2 ang lahat ng mga private establishments na mag-apply para sa kanilang safety seal certification.

Ang naturang tanggapan ang siyang mag-iisyu ng safety seal certificate sa mga establishimento na nasa sektor ng manufacturing, construction, utilities, information and communication, at warehousing industry.

Kasama rin sa tanggagpan ng pamahalaan na itinalagang mag-isyu nito ay ang Department of Tourism, Department of Interior and Local Government, Philippine National Police, Department of Transportation at ang mga local government units (LGUs).

Sa isinagawang Tipon-Tipan ng PIA Region 2, inihayag ni Regional Director Joel Gonzales ang pagkakaroon ng safety seal certification ay nagpapatunay na ang isang establishimento ay sumusunod sa minimum health protocols na itinakda ng pamahalaan.

Ilan sa mga ito ay ang paglalagay ng visible markers para sa pagpapatupad ng social at physical distancing, paggamit ng contact-tracing application, temperature check at marami pang iba.

Paliwanag pa ng opisyal, bagama’t hindi ito mandatory subalit ang pagkakaroon ng safety seal ng bawat establishimento o workplace ay makakapagpalakas ng kumpiyansa sa publiko dahil sa nakakatiyak ang mga ito na sila ay ligtas at protektado laban sa COVID-19.

Ayon kay RD Gonzales, maaring mag-apply online sa kanilang website o maaring magtungo sa kanilang provincial o regional offices para mabigyan ng checklist na ito naman ang icocomply ng mga establihimento.

Sa ngayon aniya ay nasa 10 establishimento pa lamang sa buong Region 2 ang nag-apply para sa naturang sertipikasyon at ito ngayon ang kanilang i-validate.

Ang safety seal ay may bisa lamang sa loob ng 6 buwan at maari itong i-renew para matiyak ang mahigpit at tuloy-tuloy na pagsunod sa health protocols.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *