Produksyon ng leche flan sa Naga City, apektado dahil sa maliit na sukat ng itlog

NAGA CITY- Apektado na rin ang produksyon ng leche flan sa Naga City dahil sa pagliit sa sukat ng mga itlog sa pamilihan dala pa rin ng labis na init ng panahon.

Kwento sa Brigada News FM Naga ni Juditha Baselonia, sa pitong taon niyang pagtitinda ng leche flan, talagang matumal ang bentahan tuwing summer season. Ang kinaibahan ngayon, balik puhunan na lamang ang nangyayari dahil sa liit sa sukat ng itlog, nabawasan din ang nagagawa nilang leche flan hindi tulad noon, na nakakagawa at nakakapaubos pa sila ng 170 piraso ng leche flan araw-araw.

Noong nakaraang linggo, kinumpirma ng Philippine Egg Board Association na bumabagal ang paglaki ng mga itlog kapag sobrang init ng panahon kaya ang resulta, maliliit ang naisusupply sa pamilihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *