No Visible Tattoo Policy ng PNP, kinundena ng ilang tattoo artist sa Partido Area

CAMARINES SUR —   “Maituturing na uri ng diskrimisyon,” ito ang pahayag nang pagkukundena ng ilang tattoo artist sa Partido Area, kaugnay nang una ng mandatong inilabas ng Philippine National Police hinggil sa mahigpit na pagbabawal sa mga police applicant ng pagkakaroon ng tattoo at pagpapabura naman ng mga visible tattoo sa mga kasalukuyang pulis.

Ayon kay Rodge Merabil, isang fulltime tattoo artist sa bayan ng Goa, Camarines Sur, bagaman pabor siya sa pag-regulate nito sa mga aplikanteng pulis, binigyang-diin niya na hindi naman na kailangan pang ipabura ng mga kasalukuyang pulis ang kanilang mga tattoo, lalo pa at wala naman itong kinalaman sa kanilang pagseserbisyo.   Dagdag pa niya, hindi naman katanggap-tanggap ang pagpapatanggal nito at hindi rin ito dapat na maging basehan ng tingin ng publiko sa isang indibidwal, unipormado man o hindi.

Matatandaang ayon kay PNP-Public Information Office (PIO) chief Police Col. Jean Fajardo, na nakapaloob sa ilalim ng memorandum circular 2024-023 na inaprubahan nitong Marso 19, 2024 na ang mga uniformed, non-uniformed police gayundin ang civilian police ay kinakailangang magpabura ng kanilang visible tattoo, habang hindi naman na tatanggap ng aplikanteng may tattoo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *