CAMARINES NORTE- Isinagawa sa ilang barangay sa bayan ng Vinzons ang programang USSAP o Ugnayan sa Siguradong Serbisyong Alay Pambarangay
Kabilang sa mga barangay na yan ang Barangay Pinagtigasan, Barangay Banocboc at Barangay Mangcawayan sa Calaguas Islands
Ang nasabing programa ay mayroong medical at dental team mula sa Camarines Norte Provincial Hospital at may libreng gamot para sa mga residente ng nasabing bayan.
Bukod dito, may libreng gupit din, tsinelas, at salamin sa mata
Namahagi din ng food packs, assistive devices tulad ng wheelchair, crutches, walker at quad cane.
Sa programang USSAP, tumanggap rin ang mga kasalukuyang grade 7 student’s ng financial aid mula sa kapitolyo na halagang dalawang libong piso bawat isa sa ilalim ng programang Provincial Government High School Education Assistance Program para sa mga mag-aaral ng Pinagtigasan Integrated School, Eugenia Quintela Memorial High School, Mangcawayan Integrated
Dala rin ng USSAP ang mandatory financial assistance o aid na one thousand pesos para sa barangay LGU. Ayon sa PTO, ang nasabing halaga ay once a year na ibinibigay sa 282 barangays ng Camarines Norte susog sa section 324 ng Republic Act 7160 o Local Government Code.
