Provincial Health Office, nagbabala sa masamang epekto ng mainit at maalinsangang panahon

LEGAZPI CITY – Nagbabala ang Albay Provincial Health Office (PHO) sa publiko tungkol sa masamang epekto ng mainit at maalinsangang panahon ngayon.

Pinapayuhan ng PHO partikular ang mga contractors at iba pang mga empleyado na magkaroon o magbigay ng flexible time para sa kanilang mga trabahador.

Ayon sa tanggapan, hindi dapat matagal na nabibilad sa araw ang mga construction workers at iba pang mga manggagawa, maging ang mga magsasaka at mga mangingisda dahil posibleng magdulot ito ng heat stroke na maaaring ikamatay ng isang tao.

Bukod dito, maaari din silang makaranas ng sunburn, heat cramps at heat exhaustion.

Payo ng PHO sa lahat na uminom ng sapat na tubig upang maiwasan ang dehydration, bawasan ang outdoor activities o pinakamainam ay manatili sa mga bahay kung walang mahahalagang gagawin sa labas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *