PRRD, mglulunsad ng Labor Day recovery package

Ilulunsad ng MalacaƱang ngayong araw ang employment recovery program na naglalayon na maibalik sa trabaho ang milyon-milyong mga Pilipino.

Sa gagawing launch ay inaasahan na maihahatid ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Labor’s Day message nito sa publiko sa pamamagitan ng isang video.

Kasunod nito ay pangungunahan ng Department of Labor and Employment ang isang virtual job summit.

Magkakaroon rin ng pirmahan para sa National Employment Recovery Strategy (NERS) action plan na magsusulong sa employment mula 2021 hanggang 2022 na nakaangkla sa updated Philippine Development Plan 2017-2022 at sa ReCharge PH sa pamamagitan ng expansion ng trabaho, negosyo, at kabuhayan initiative.

Samantala, inaasahan rin na ngayong Labor Day ay mababakunahan ang 3,000 overseas Filipino workers (OFWs) at 2,000 minimum wage earners na parehong nasa ilalim ng A4 priority list.

Leave a Reply

Your email address will not be published.