Punong Barangay ng Bitan-o, nilinaw ang isyu sa pera ng barangay na umano’y itinakbo ng kanilang Barangay Treasurer

Nilinaw ni Bitan-o Barangay Captain Roberto ‘Bert’ Maraño ang isyu hinggil sa diumano’y pera ng kanilang barangay na itinakbo ng kanilang Barangay Treasurer.

Ayon dito, ang pera na pampasahod sa mga opisyal at appointed officials ng kanilang barangay ay hindi tinangay ng kanilang treasurer sa halip ito ay kinuha ng lender o tagapagpahiram ng pera na personal na pinagkaka-utangan ng kanilang empleyado bilang bayad sa utang kung saan inaabangan na umano ang treasurer ng nasabing lender sa pagpapa-encash nito ng cheque sa bangko.

Dagdag pa ng opisyal, kanila na umano itong napag-usapan sa barangay, kung saan kanyang pinagharap ang mga ito.

Pinagsabihan din umano niya ang lender na kung mayroon mang utang ang kanilang empleyado ay dapat na ang sahod lang nito ang kinuha at hindi dapat lahat lalo pa at alam naman umano ng mga ito na ang nasabing halaga ay pampasahod sa mga opisyal at empleyado ng barangay.

Gayunpaman, sinabi ni Kapitan Maraño na kanya ding ipinagtataka kung bakit ibinigay din ng kanilang treasurer ang lahat ng pera – at ito umano ang patuloy nilang inaalam.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *