Puwersa ng ASG sa bansa, malaki na ang inihina – DILG

Malaki na umano ang inihina ng puwersa ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa bansa.

Ito ang iniulat at ipinagmalaki ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos Jr. matapos na sumuko sa mga awtoridad ang nasa 100 miyembro ng ASG sa Jolo, Sulu at 50 miyembro naman ng New People’s Army mula sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Abalos, ito na ang pinakamataas na bilang ng surrenderees mula sa hanay ng ASG.

Aniya, bagaman hindi niya matiyak sa ngayon ang eksaktong bilang ng ASG na nananatili pa rin sa kanilang grupo, sigurado aniya siya na kokonti na ang mga ito.

Tiniyak din niya na dire-diresto na ang mangyayaring pagsuko at pagbabalik loob sa gobyerno ng mga naturang rebeldeng grupo.

Kaugnay nito, nanawagan si Abalos sa mga natitira pang miyembro ng ASG at NPA sa bansa na sumuko na dahil lagi raw nandyan ang gobyerno para makinig sa kanilang mga kagustuhan at ipinaglalaban.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.