Rabiya Mateo, dumating na sa Florida para sa Miss Universe pageant

Dumating na si Rabiya Mateo sa Florida para sa nakatakda niyang pagsali sa Miss Universe pageant.

Noong Martes ay ibinahagi ni Miss Universe Philippines creative director Jonas Gaffud ang update ng pagpunta ni Rabiya sa Florida sa pamamagitan ng isang larawan kung saan ay makikita ang Ilongga beauty queen na nakaupo ng one seat apart mula sa kanya sa loob ng eroplano.

Sa caption ng post ni Gaffud ay sinabi niya: “Rabiya Mateo and team are now in Florida for final preparations prior to hotel check in on May 6,”

Gaganapin ang ika-69 na Miss Universe competition sa May 16 sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida.

Matatandaan na inihayag noon ni Rabiya na kumpyansa siyang maiuuwi niya ang Miss Universe crown.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *