Record high ng COVID-19 recoveries sa Camarines Norte naitala

CAMARINES NORTE- Bumuti ang datus ng mga tinamaan ng coronavirus disease sa lalawigan ng Camarines Norte

Ito ay matapos umakyat  sa 72 . 26 percent ang recovery rate sa COVID-19 sa naturang probinsya

Base sa inilabas na ulat ng DOH Bicol,  60 pasyente ang nakarekober ngayong araw

Pinakamataas na naitalang bilang ng recoveries sa loob ng isang araw mula ng maranasan ang pandemya

Sa 411 ng mga COVID-19 positive sa lalawigan, 297 na ang gumaling laban sa nakamamatay na virus.

Sa kasalukuyan, mula sa 152 na naitala nitong lunes ay bumaba na sa 92 ang active cases matapos na walang panibagong kasong naitala  

Nananatili naman sa 22 ang bilang ng mga nasawi sa sakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *