Reflexologist arestado sa drug buy-bust operation sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Huli ang isang reflexologist sa buy bust operation ng ilegal na droga sa P1, Brgy. Salvacion lungsod ng Tabaco.

Kinilala ang suspek na si Ryan Belchez Bonaobra aka “Bulldog 29 anyos residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, hapon ng magsagawa ng Anti-Illegal Drugs Operation ang mga awtoridad sa nabanggit na lugar kung saan positibo sa ilegal na droga ang suspek matapos pagbentahan nito ang nagpanggap na poseur buyer ng isang heat sealed transparent sachet na may laman na pinaniniwalaang shabu sa halagang P3K.

Narekober sa kanya ang ilang pirasong na droga at pera na ginamit sa buy bust operation.

Ang suspek ay dinala sa Tabaco cps para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *