Remulla, di nagpatinag sa resign call ni Bantag

Hindi nagpatinag si Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa panawagan ni suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na bumaba ito sa pwesto dahil sa kawalan na ng kredibilidad.

Ayon kay Remulla, puro mga alegasyon lang naman ito at hindi kayang mapatunayan ni Bantag.

Una nang sinabi ni Bantag na hindi siya susuko sa oras na mailabas na ang warrant of arrest laban sa kanya kaugnay sa dalawang murder complaints, kung si Remulla parin umano ang kalihim.

Giit kasi nito, baka manipulahin lang ni Remulla ang kaso laban sa kanya.

Dagdag ng kalihim, na kay Bantag ang pagpapasya, at mas alam din umano ng abogado nito kung anu ang magandang gawin.

Mababatid na sa November 23 na ang unang preliminary investigation ng DOJ panel of prosecutors laban sa dating BuCor chief. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *