Saudi Arabia, nangakong magbabayad ng 2-B riyals para sa back wages ng 10k OFWs

Nangako ang Kingdom of Saudi Arabia na maglalaan ng humigit-kumulang 2 billion riyals para sa hindi pa nababayarang suweldo ng humigit-kumulang 10,000 overseas Filipinos na nagtrabaho sa mga construction companies at nagdeklara ng bankruptcy.

Natanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang balita mula kay Saudi Crown Prince na si Mohammed bin Salman sa kanilang bilateral meeting sa sideline ng APEC Summit sa Thailand.

Sinabi ni Marcos, pinaghandaan ng Crown Prince ang kanilang pagkikita at sinabing regalo ang paglalan ng pondo para sa pagbabayad sa mga OFWs.

Sasagutin ng halaga ang hindi pa nababayarang suweldo ng mga manggagawang nagtrabaho sa mga kumpanya tulad ng Saudi OGer, MMG, Bin Laden group, at iba pang construction firms na hindi pa nakakapagbayad sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), sasakupin ng commitment ang hindi pa nababayarang suweldo ng mga manggagawa noong mga taong 2015 at 2016. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *