Restaurant sa California bumili ng food carrying robot dahil sa kakulangan sa staff

CALIFORNIA—Sobrang laki na ng impact ng tekonolohiya sa buhay ng tao ngayong digital age. Kung noon, kailangan pang maghintay ng ilang buwan upang matanggap ang mensahe mula sa kabilang ibayo ng daigdig, ngayon ay isang pindot na lamang ito.

Kung noon, kailangang mano-manong gawin ang ilang mga gawain, sa ngayon ay isang pindot na rin lang ang mga ito at tapos agad ang trabaho.

Sa isang restaurant sa California, isang food carrying robot ang binili ng may-ari nito upang maresolba ang kakulangan sa staff.

Sa facebook post ng Sugar Mediterranean Bistro sa Stockton, California ay ipinakilala nito ang pinakabagong miyembro ng kanilang team— isang food delivery robot.

Wala pa itong pangalan sa ngayon at hinihingi ng may-ari ang opinyon ng mga customer kung ano ang magandang maging pangalan ng robot.

Ayon sa General Manager nitong si Ana Ortiz, binili nila ang robot upang mabawasan ang bigat ng work load ng mga staff lalo ngayong kulang sila sa tao.

Isa umano itong lifesaver na tumutulong sa kanila sa pagdadala ng mga pagkain sa mga customers bagamat kailangan pa rin ng face-to-face interactions sa mga servers.

Pero nilinaw ni Ortiz na kukuha pa rin sila ng mga dagdag na empleyado dahil hindi pa rin mapapalitan ng robot ang magagawa ng tao.

Sa ngayon, bukas ang restaurant para sa server at bartender positions. ||Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *