Estimated damage sa sunog sa Olongapo kahapon umabot ng higit 9M

Umaabot sa mahigit siyam na milyong piso ang estimated na halaga ng mga natupok sa nangyaring sunog sa HBW General Merchandize sa Arthur Street, Barangay West Bajac-Bajac sa lungsod kahapon.

Ayon kay Cins. Maria Leah Sajili, hepe ng BFP-Olongapo, tinatayang 9.6-milyon ang naitalang danyos, pero maaari pa itong madagdagan dahil titingnan pa ang mga kagamitan at panindang nasama sa sunog.

Matatandaan na bandang alas nwebe ng umaga kahapon kasabay ng malalakas na pag-ulan ay nangyari ang sunog na umabot ng unang alarma.

Samantala, naging makapal lamang umano ang usok dahil na rin sa mayroong mga damit, foam at iba pa.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Symptoms of STRESS Stomach Ache and Increased Acid Reflux Breathing Increased Heart Rate Muscle Pain Heado Headaches Grinding Teeth Y Low Energy Inso mia Power Powr Cells SOYA COFFEE'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *