Mga batang edad 10 taong gulang pababa hindi muna pinapayagang magparehistro sa National ID dahil sa health protocols

CAMARINES NORTE – Hindi muna pinapayagang magparehistro para sa National ID ang mga batang edad sampung taong gulang pababa dahil sa umiiral na health protocols.

Makikita ang abiso sa center partikular sa Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Office dito sa bayan ng Daet.

Gayunman may mga pagkakataon sa ibang bayan na pinapayagan na ring makapagparehistro ang bata kung kasama na rin ito ng magulang.

Hinihimok ang mga namamarangay na makipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay para sa schedule ng mga nakapag step 1 registration.

Sa PSA Provincial Office dito sa bayan ng Daet ay priority Barangay ang Gubat mula July 24- August 24.

Bukas ang registration  center Lunes hanggang Sabado simula alas 7 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon.

Tumatanggap na rin ng walk- in applicant sa mga registration centers mula sa mga aplikante sa priority barangay na hindi na- interview noong step 1 registration at maging ang mga aplikante mula sa non- priority barangay.

Pero depende ito sa available slots tulad halimbawa kung mayroong hindi pumunta sa naka- schedule mula sa priority barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *