Romualdez, wi-nelcome pagpabor ng mayorya ng mga Pilipino sa Maharlika Fund

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang mga Pilipino matapos makakauha ng suporta ang ipinapanukala nilang Maharlika Investment Fund (MIF).

Kung maaalala, sa ilalim ng survey ng Tangere ay lumabas na 54.08% ng mga respondents ang nagsasabing pabor sila sa pagsasabatas ng sariling sovereign fund ng Pilipinas.

Ayon kay Romualdez, ang resulta ng survey ay nagpapatunay lamang umano na nasa ‘right track’ ang administrasyon para sa pagtatatag ng naturang pondo.

Wi-nelcome ng Speaker, na isa rin sa mga proponents ng House Bill 6608, ang tiwala ng publiko na makatutulong ang MIF para sa hinaharap ng mga Pilipino.

Aniya, nangangahulugan lamang ito na hindi lamang ang mga major business groups ang sumusuporta sa MIF – kundi gayon din ang general population.

READ MORE:

Matatandaang sa naturang mobile-based survey, 83.75% ang nagsasabing ‘aware’ sila sa MIF Bill.

65.47% naman ang naniniwalaang napapanaho ang pagtatatag ng sovereign fund; 56.67% ang nagsasabing makatutulong ito sa paglago ng ekonomiya; habang 57.86% naman ang naniniwalanag makatutulong ang MIF sa pagpopondo ng mga proyekto ng Gobyerno.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *