Rower na si Cris Nievarez, masaya sa kaniyang pinagdaanan sa Olympics

Kinokonsidera ng Filipino rower na si Cris Nievarez ang kaniyang karanasan sa 2020 Tokyo Olympics bilang learning experience.

Sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes ay ibinahagi ni Nievarez ang ilan sa mga natutunan niya sa Summer Games.

Sinabi ni Nievarez na kinakailangan ang maayos na preparasyon ang paglahok sa high-level competitions tulad ng Olympics.

Naniniwala si Nievarez na ibinigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa lahat ng mga pinagdaanan niyang kompetisyon, ngunit sinabi niya na may room for improvement pa siya.

Sa kabila niyan ay iginiit ni Nievarez na masaya siya sa naging resulta ng kaniyang pagsali sa Olympics kung saan ay pumwesto siya sa ika-23 mula sa 32 kalahok.

Samantala, base naman sa mga ibinahaging mga litrato ni Nievarez sa Facebook ay tila makikita ito na nagsasaya sa Tokyo, kung saan ay nagkaroon siya ng tyansa na magpa-selfie kasama ang NBA at Slovenia player na si Luka Doncic.

Matatandaan na nagwakas ang kampanya ni Nievarez sa Olympics nitong Biyernes sa Finals D classification race.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *