4 na karagdagang cadavers na nabawi mula sa bumagsak na C-130 plane, natukoy na

Inanunsyo ng Armed Forces of the Philippines na natukoy na ang pagkakakilanlan ng apat na bangkay ng military personnel na kasamang nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane sa Sulu noong July 4.

Sa isang pahayag ay kinilala ng AFP ang mga nasawi bilang sina Sergeant Jelson Sadjail, Corporal Alhamin Salahuddin, Private First Class Alzid Hawrani, at Private First Class Nazer Albaracin, na pawang mga miyembro ng Philippine Army.

Ayon sa AFP, nakipag-ugnayan na ang Western Mindanao Command sa mga mahal sa buhay ng mga natukoy na personnel.

Tiniyak naman ng militar na magkakaroon ng maayos na libing ang mga natukoy na sundalo.

Ipinunto naman ng AFP na sa kabuoan ay umabot na sa 33 cadavers ang kanilang natutukoy, habang meron 17 iba pa ang patuloy na sumasailalim sa mabusising proseso para sa pagtukoy sa mga fatalities na halos hindi makilala dahil sa pagkakasunog.

Matatandaan na bumagsak ang C-130 sa Barangay Bangkal sa Patikul matapos nitong mabigo na mag-land sa paliparan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *