Salceda, nakikitang bababa din sa P50/kilo ang presyo ng sibuyas

Nakikita ni Albay Representative Joey Salceda na ang presyo ng sibuyas na nasa P300 hanggang 700 bawat kilo, ay bababa sa P50 kada kilo.

Ayon kay Salceda na chairman ng House Committee on Ways and Means, na babalik din sa normal ang lahat at magkakaroon ng reversion.

Naghamon pa ito na maaring putulin ang lima niyang daliri kung hindi umano ito mangyayari.

Binigyang diin din ng mambabatas na ang suplay ng sibuyas ay hinihoard ng “mafia,” resulta ng mataas na presyo nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *