Sariaya By-pass Road, binuksan na sa publiko

Pormal nang binuksan sa publiko ang Sariaya By-pass Road na may habang 7.42 kilometro na magkokonekta sa bayan ng Sariaya at lungsod ng Lucena.

Nagsagawa ng maikling programa ang lokal na pamahalaan kung saan dinaluhan ito nina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, Quezon 2nd District Representative Jayjay Suarez, Mayor Marcelo Gayeta at buong sangguniang bayan.

Ayon kay Gayeta, malaking isyu sa bayan ng Sariaya ang matindi at mabagal na usad ng trapiko sa kabayanan.

Aniya, napakalaking bagay ang by-pass road dahil maiiwasan ang abala nito sa riding public sapagkat hindi na nila kailangan pang dumaan sa town proper lalo na ang mga magmumula ng Maynila at Bicol.

Samantala, nagkaroon naman ng motorcade ang mga opisyales kung saan binaybay nila ang ruta ng bagong gawang kalsada. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *