SBFZ- Inanunsyo ng Subic Bay Metropolitan Authority na mag-iisyu na ito ng citation tickets sa mga mahuhuling pasaway na hindi nagsusuot ng maayos ng face mask at face shield.
Ito ay alinsunod na rin umano sa kautusan ni Pang. Rodrigo Duterte na hulihin ang mga lumalabag sa health and safety protocols.
Ayon sa SBMA, ang Law Enforcement Department o LED ang siyang maniniket o mag-iisyu ng ticket sa mga violators.
Dahil dito, paalala ng pamunuan sa mga residente, manggagawa at iba pang stakeholders na sundin ang mga ipinatutupad na protocol ng Inter-Agency Task force.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
